Wednesday, February 10, 2010

Di Ka Na Nagtext!!!


magtext ka, jen.

lalabas tayo ulit, diba?

kakain ulit tayo sa may timog o morato, diba?

ikukuwento mo ulit sakin yung mga nangyari sa duty mo, diba?

lulunurin mo na naman ako sa medical terms, diba?

ilalarawan mo ulit sakin ang mga pamangkin mo, diba?

pag-uusapan ulit natin ang masilimuot mong lovelife mo, diba?

iisa-isahin pa natin ang mga nangyari sa mga therapy sessions mo, diba?

maglalabas ka ulit ng mga sama mo ng loob, diba?

ilalahad mo ulit ang mga pangarap mo, diba?

mag-aapply ka pang study grant sa australia, diba?

ipagkakatiwala mo ulit sakin ang mga sikreto mo, diba?

ano ka ba? bakit di ka na ulit nagtext?

ang daya mo.

hindi mo pa nakita ang magiging girlfriend ko.

hindi mo pa naipapakilala sakin si jessa (god bless her soul too).

magiging ninong pa ako ng magiging anak mo.

ang daya-daya mo.

di lang kita nareply agad, nagtampo ka na.

wala ka, jen. wala ka pala.

wala ka na.

pupunta ka na pala sa tahimik na lugar, di ka man nagsabi.

di ka man nagyayaya.

gumagawa ka na pala ng sarili mong lakad.

ako ang dapat magtampo sayo ngayon.

pero di bale, okay na diyan. wala ka nang poproblemahin pa.

di mo na iindahin pa.

wag kang magagalit ha, pero iiyakan kita. todo. sobra.

mga ilang linggo rin siguro.

kita mo na rin siguro mga sikreto ko, mga saloobin ko.

mga bagay na hindi ko na nagawang ibahagi sayo.

bigla akong nahiya.

hahaha.

(kala mo naman totoong tumatawa. e humahagulgol kaya ako rito.)

pramis, wag mo kong isusumbong kay bro ha?

pakiyakap na lang ang nanay mo para sakin.

galing ng pagpapalaki niya sayo, grabe. wala akong masabi.

mahal kita, jen.

noong unang araw na tayo’y nagkakilala, di ko akalain ito.

na magiging malaking bahagi ako ng buhay mo.

salamat sa iyo. pinahalagahan mo ako.

at ganun din naman ang pagpapahalaga ko sa iyo.

ang sakit na ng ilong ko kakasinga, di pa ba sapat na patunay yun?

ang korni ko talaga kahit kelan noh? kthxbye.

mahal ka namin, jen. sampu ng lahat ng mga kaibigan at kamag-anak mo.

mga pusong pinukaw mo.

hintayin mo na lang kami, jen. wag ka masyadong mainip.

libre naman GGT at mudshake diyan. chill ka muna.

party ulit tayo soon. hangout ulit tayo.

at gagawin ulit natin ang mga bagay na madalas nating gawin.

hanggang sa muli, jen.

xoxomwahugsalamat.

txt txt, ayt?


jerilie “jen” murillo, jessa perez and cecille quintos all passed away yesterday due to a freak incident that happened during their medical mission in cabiao, laguna.



The Crawling Gugol Bot

Go back to TOP or HOME

The Sisters of Christian Charity

The Sisters of Christian Charity are a community of women, dedicated to the care and education of the needy, especially the blind. Following the example of Blessed Pauline von Mallinckrodt, the Sisters want to be truly women of Christ-like Love. Empowered by their Eucharistic life-style, which impels them to be Christ’s light in the "Church of the Poor", they want to uplift and guide the blind and all who need them in our wounded world. Excerpt from http://www.sccphil.com/aboutus.htm
Gugol supports SCC Philippines and hopes to provide assistance to this fine charity institution someday. Meanwhile, I encourage you to visit their website and lend them a helping hand.