Nais ko lamang sanang ipagpaumanhin ang aking pansumandaling pagsasantabi nitong blog ko.
Nakahanap na kasi ako ng kalaguyo.
Ito siya oh...
Matanda pa siya sakin. Mahigit trenta anyos na rin siya.
Potaena, ang korni ng entrada ko sa post na ito.
Yung nasa litrato nga pala, iyan ang Yashica Electro 35 GSN ng tatay ko.
Meron pala kaming ganyan, di man lang sinabi sakin. Sos. Ilang buwan na rin nila akong nakikitang naglalaway sa mga litrato ng iba't ibang kamera sa internet. Natiis nilang makita akong nagpipigil ng luha dahil di man lang makabili ng pipitsuging DSLR. Such a love for their children.
Matapos kong suungin ang isang nag-aapoy na tulay at makipagbuno sa isang baklang tatlong hiwa-hiwalay ang ngipin para lamang mapatunayan sa aking ama na karapat-dapat akong humawak ng kanyang
A thousand pesos later (baterya, film, padevelop, padigiscan, pagupit, pambili ng brip), napagtanto kong phail ang kamera. Sira na yung sprocket na nag-iikot dun sa film. Ang resulta? Yung bente-kwatrong shot ng film, pinagkasya ni Yashica sa sampu.
Nung pinakita sakin ni Mamang Developer yung nadevelop na film, dismayado kong pinagmasdan na kalahati lang ang may laman. Pakshet.
Yung sampu? Ayun, nagpatung-patong yung exposure. Bawat isang litrato, may tatlo, apat o limang litrato pang nagsisiksikan sa kwadrado.
Maganda naman ata yung kinalabasan ng iba e. Pero ano bang malay ko? Ngayon lang ako nagkaroon ng hahabulin-ka-ng-chicks-pag-nakita-ka-nilang-may-nakasukbit-na-ganito-sa-leeg camera.
Pers taym ko pumitik, ika nga.
Pupunta akong Hidalgo para ipaayos itong dinosaur camera.
In the meanest time, eto yung sampung (where 10 = 24) litratong nakunan ko gamit ang test film roll (kasama siyempre ang cumpolsary "woohooh!" photographer-kuno man-behind-the-camera mirror shot).
Medyo inedit ko na para maging presentable kahit papano. Nakakahiya naman senyo e.
Yan na nga rin pala ang magiging bahay ng mga kuha ko gamit ang Yashica. Fuck yeah sa inyong lahat!


