Pepeng...
Manny Villar...
Dumaan ang mga bagyong ito at inilugmok ang bansa sa putikan, literally and figuratively. (Oo, Boss Manny! We hate your focking donatiomercials.)
Isa ako sa mga mapalad na naninirahan sa mataas na lugar. Ngunit hindi ibig sabihin nu'y hindi ako lubos na naapektuhan.
Sabado ng umaga noon at naglalaro kami ng online monopoly game ng ilan sa mga kabarkada ko. Habang nagkukulitan sa Plurk... Habang nagsasagot ng kung anu-anong trivial question sa Facebook...
Aalis dapat akong patungong Mapua ngunit medyo tinanghali ako ng gising. Nakadagdag pa ang sama ng panahon kaya ipinagpasya kong wag na munang tumuloy. (Minsan, maliligtas ka rin ng katamaran mula sa kapahamakan.)
Babad na naman ako sa pagtitipa ng keyboard ng aking PC.
Ngunit hindi ko namamalayan, ang mga kachokaran ko sa cyberspace, unti-unting nangawala isa-isa.
Ang akala ko naman ay wala lang. Na baka nagsikain lang o ano.
"Asar naman ang mga kapitbahay namin. Binabaha yung labas ng bahay namin dahil sa mga basura nila."
Iyan ang huling nasambit ng isang kaibigan ko bago siya tuluyang mawala sa sirkulasyon noon at sa sumunod na mga araw.
Sa Twitter, may mga nagpopost ng mga mensahe ng saklolo. Panaka-naka noong una, dumagsa nang pagabi na.
Tumutok ako sa balita't nagitla sa aking nasaksihan.
Kinilabutan ako sa mga bidyu sa Youtube.
Karamihan ng mga kaibigan ko'y sa Marikina, Pasig at Cainta nakatira.
Potaena, at wala nang signal ang Globe.
Bandang hapon, nagpatay-sindi ang ilaw sa bahay. Hinimok ko ang sarili kong sumugod na sa opisina para baka-sakaling makatulong ngunit pinigilan na ako ng nanay ko. Hindi na daw madaanan ang Marcos Highway.
(Nalaman kong hindi na rin nakapasok ang karamihan sa aking mga kasamahan sa opisina na dapat na nakaduty dahil sa lubhang pagbaha. Ang mga naiwan sa opisina, napilitang magduty ng mahigit sa 36 na oras habang nag-aalala sa kanilang mga mahal sa buhay.)
Niraragasa ng delubyo ang Maynila at wala man lang akong magawa para makatulong. (Translation: Basang-basa at vulnerable si Christine Reyes at wala man lang akong sariling jetski! Iskor ka, Richard...)
Nakakatawa, ang mga kalyeng pinagbibili namin sa online monopoly, isa-isang nilamon ng baha. Nakakatuwa, ang Google Maps na pinagbasehan ng larong iyon ang isa sa mga naging instrumento para mapadali ang pagpaparating ng tulong sa mga nangangailangan nito.
Sa kabutihang palad, hindi tuluyang nawalan ng kuryente sa bahay at hindi rin nawalan ng signal ang Smart Bro.
Sa sumunod na dalawang araw, nakiisa ako sa mga nagkalat ng mahalagang impormasyon sa mga Online Social Network. Hindi naman ganung kalaki ang aking impluwensya, ngunit hindi na iyon naging mahalaga para sa akin.
Noon ko lang tuluyang napagtanto ang kahalagahan ng intarnetz. Lalo na ng mga online social network.
Nakapukaw ng damdamin ang mga magagandang balitang lumalabas sa Twitter, Plurk, Facebook at Tumblr. (Wow, shameless plugging. What a hypocrite this Gugol. Ahaha...)
Kasingbilis ng DSL ang paglaganap ng Bayanihan, lalo na sa mga kabataan.
Sa unang sandaling tumila na ang ulan, agad na nagsikilos ang mga pribado at publikong sektor (na pinangunahan ng tech-savvy youth) para makakalap ng tulong para sa lahat ng nasalanta. Isang tweet lang (na ni-RT, nireblog at ni-RP), dagsaan ang mga volunteer at donasyon.
Habang nagkakantahan at nagsasayawan sa mga noontime show (at tumatabo sa advertisement revenue ang mga higanteng broadcasting network), hinarap ng pangkaraniwang Pinoy ang isang mabigat na pagsubok gamit ang kanyang bago at epektibong sandata.
Nakapagvolunteer na ako. Nakapagdonate na rin ako. Nakapanghikayat na ako ng iba. Sana kayo rin.
Pero hindi pa tapos, mga friends.
Sa likod ng samu't saring kwentong ating maririnig mula sa mga nasalanta, marami pang dapat gawin.
Binigwasan ng matindi ni Pepeng ang ulo ng Luzon.
Lubog pa rin sa tubig at putik ang ilang lugar sa Marikina, Cainta, Pasig at Rizal.
Dagsa pa rin ang mga tao sa mga evacuation center.
Kaya nga saludo ako sa mga tulad ng kaibigang kong si Meryl. Galing sa Cavite, sinuyod nila noong Linggo ang Nangka High School sa Marikina upang mamahagi ng relief goods at tumulong sa paglilinis. Walang bayad. Sariling pagkukusa.
At ito ang tumambad sa kanila (photos courtesy of merylanndulce.blogspot.com)...
Kung nagtataka ka kung saan napunta ang hekta-hektaryang lupain mo sa Montalban at Antipolo, hanapin mo sa Marikina. (At hayaan mo akong sabihin ito... Potaena! Ang yaman mo!)
Sa mga gaya ni Meryl at ng kanyang mga kasama...
Sa mga gaya ng mga nagbuwis ng buhay para sa ikaliligtas ng kanyang kapwa...
Sa mga nagpapatuloy ng pagsasakripisyo para sa iba...
Isang malaking pagsaludo at pasasalamat sa inyong lahat.
Ipagdarasal ko na may kani-kaniya kayong Jacuzzi sa langit. Ganun kami kaclose ni Bro.
Seryoso, nasa inyo ang aking paghanga.
Maswerte tayong mga Pinoy. Biniyayaan tayo ng mababaw na tawa. Maski anong bagay pa ang dumaan sa buhay natin, nagagawa nating pagtawanan.
(Potaenamokang pulitiko ka! Sige, tumawa ka pa! May araw ka rin.)
Pero hindi pa tapos ang laban.
Hindi babangon ang mga nasalanta sa pamamagitan ng pagtawa lang. Walang fairy dust ni Peter Pan sa totoong buhay.
Kung may oras, pera o kakayahan kang makatulong, punta ka rito at makibahagi. Now na. (At kung isa ka sa mga nasalanta, tulungan mo naman ang sarili mo.)
P.S. Matagal bago ko nakausap at nakamusta ang mga kabarkada ko. Nag-alala ako nang lubos at nagpapasalamat akong walang napahamak ni isa sa kanila.
P.P.S. Pinapahunting ko kay Boss Bajongjong ang lahat ng walang pakialam. Matakot ka.
P.P.P.S. MEEEEERYYYYYYLLLLL!!!!11oneoneone (cozy)




