May official twitter account na ang Meralco. Sa wakas!
Kagaya ko rin palang mapagmalasakit (ay sus!) na empleydo si manilaelectric.
Ayan, magkakakilanlan na tayo. Bawal magtanggal ng nametag, mahina ako sa pangalan.
Natutuwa ako't nasisimulan nang matauhan ang mga kumpanyang tulad ng Meralco at tinatanggap na nilang malaking tulong ang online social media sa pagpapalaganap ng mahalagang impormasyon (o kasinungalingan, kung pulitiko ang tweeter).
Pero hindi ba't parang nakakatanga lang?
Hayaan niyong ipaliwanag ko kumbakit...
Ang taong technical (inhinyero, abugado, programmer, maglalatik) hirap mag-explain sa mga taong hindi technical (ikaw ito). Imbis na ipaliwanag niya ang mga bagay-bagay sa isang lengwaheng maiintindihan ng kanyang kausap, hindi na siya mag-aabala pa... parang ganito lang (kunwari lang ha)...
"Sir, bakit po brownout?" - Kasi nagkaroon ng corona discharge sparking dun sa high side phase B bushing ng 300MVA power transformer #3 na nagdulot ng isang malaking apoy na nakaapekto pati sa mga digital at analog relays at cables ng remaining 3-300MVA power transformers sa control room ng NGCP-owned Dolores substation. Blah! Blah! Blah! Yaddah! Yaddah! Yaddah!
Potaena, murder by lockjaw, mehn!
At ano ang ibabalita sa evening news?
"Nakaranas ng brownout ang ilang parte sa Maynila nang sumabog ang tatlong transformer sa Dolores dahil may nasunog na damo."
Ewan ko ha. Pero parang may mali.
O ito pa, mula sa website ng Meralco:
POWER SITUATION UPDATE
NEWS UPDATE AS OF 10/09/09, 5 PM
Meralco held a press briefing this afternoon to apprise reporters of developments in the power situation. The company announced that Meralco crews have been at Dolores Substation since this morning, assisting the National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) in the repair of its damaged equipment.
The NGCP said that it expects to energize transformer bank no. 3 any time tonight. It is also doing its best to energize transformer bank no. 4 soon. If bank no. 3 is energized, the duration of power interruptions would be reduced to just one hour over the weekend when demand is historically low. If bank no. 4 does follow suit soon after, we can expect to have a brownout-free weekend. But again, it all depends on developments on the transmission side. In the meantime, Meralco persists in its efforts to reduce the duration of interruptions.
Kapag nagets mo yan ng buong-buo, pwede ka nang magboard exam ng Electrical Engineering (pwede pero wala akong sinabing papasa ka).
Taena, anong transformer bank? Kelan pa nagkabangko ng transformer? Pwede ko bang isangla itong 220-110 ko?
Iyan marahil ang ilan sa mga tanong na biglang naglaro sa kukote mo.
Nakakatawa lang. Bakit kelangang gamitin pa rin ang mga terminolohiyang teknikal ngayong 95% ng populasyon ng Pilipinas ay Call Center Agent o Nurse? Anong malay nila sa transformer-transformer bank na yan...
Malaking tulong nga ang website at twitter account ng Meralco, pero kulang. Ang mga tanong na nasagot, napapalitan lang ng bagong tanong.
Yun nga lang mga nakasabay ko sa jeep pinagtatalunan pa ang dahilan kumbakit brownout. Gusto kong pag-untugin. Parehong nagmamarunong.
Iyon namang mga nakakaalam, ayaw ipaliwanag ng maayos. (Isa pa yang system loss na iyan. One of the most misunderstood terms of our generation.)
Hindi naman natin masisisi ang mga technical na tao. Hindi naman sila English/Filipino major.
At kakaunti lang kaming katulad ko, na bukod sa guwapo't matalino, magaling pa magpaliwanag.
Whew! Ang dami kong sinabi, pagbubuhat lang pala ng sariling bangko ang kababagsakan. Ahahaha...
Ah basta, huli niyo naman ang pinupunto ko diba? Kinaya (o kinakaya) kong magpaliwanag sa malinaw na paraan. Bakit hindi iyon magawa ng iba?

