Tuesday, October 20, 2009

Realizations of a Two-Year Ortigas Avenue Veteran

Sa humigit-kumulang na dalawang taong paglalakbay sa kahabaan ng Ortigas Avenue (mula Rosario hanggang Gate 2 ng Meralco compound) tuwing umaga, ngayon ko lang napagtatanto ang mga bagay-bagay.

Ito ang listahang hindi niyo dapat mabasa.

1. One sabit per jeep policy.

2. Mas kinatatakutan ng mga jeepney driver ang mga buwaya ng MMDA kesa sa posibilidad na masisante ka sa trabaho dahil sa excessive tardiness. Kaya kapag may nakasabit na, kahit na lumuhod ka pa sa kalsada sa pagmamakaawa'y di ka na pwedeng kumapit pa sa estribo. (At kelangan mong matutong umilag sa lumilipad na piso.)

3. Hindi mo dapat ubusin ang mga vacation leave mo sa unang dalawang buwan ng taon. Kakailanganin mo ang isang VL/2 kada dalawang linggo.

4. Never text your boss that you're running late if you're not actually running. Go figure.

5. Madaling sumakay ng jeep na pa-Cubao galing Rosario. Malaking kaibahan sa mga Cogeo-Cubao na mas marami pa ang nakasabit kesa sa mga nakaupo sa loob.

6. May libreng WIFI sa McDo Eastwood. At ang WIFI signal na galing sa Pizza Hut Bistro ay umaabot din sa McDo. Kahit papaano, sulit ang VL/2.

7. Kapag nakita ka ng kaopisina mong nakakotse sa daan. Hindi ka niya isasabay. Sa halip, may kakalat sa opisina niyo na litrato mong nakasabit sa jeep. At siya ang kumuha, gamit ang kanyang cellphone.

8. Kapag nakita ka ng big boss mong nakakotse sa daan. Hindi ka niya isasabay. Sasagasaan ka niya dahil isa ka sa mga "walang disiplina" at nakakadagdag sa trapik.

9. Kapag najejebs ka bago umalis ng bahay, matuto ka ng pasensya at pagtitiis.

10. Kelangan ng malamig at matigas na puso kapag nakikipag-agawan ng jeep. Hindi porke't matanda at uugod-ugod na babae ang kagitgitan mo, hindi ka na niya kayang sikuhin sa lalamunan. Unahan mo na.

11. Kapag wala kang masakyang jeep, patay malisya ka na lang. Uso talaga sa bus ang kiskisan ng ari.

12. Nag-uumapaw sa sex appeal ang nakasabit habang naka-long sleeves na tucked-in.

13. Lahat ng drayber sa mundo nabobobo pag umaambon.

14. Hanggang tiyan mo lang ang bubong ng jeep dahil six-footer ka. At mas madali kang mangalay kesa sa pangkaraniwang Pilipino.

15. Mukha kang gago dahil sa #14. Pero #12 ka pa rin sa puso ni McRey.

16. Lahat ng tao, pasahero man o drayber ng jeep... walang barya sa umaga.

17. Pag-aralan at magpakadalubhasa sa larangan ng pag-upo gamit lamang ang kalahati ng isang pisngi ng pwet.

18. Kapag sinabing siyaman, pito lang talaga ang kasya. Pero dahil sa #17, pagdududahan mo ang iyong kakakayahan sa pagbilang.

19. Pwedeng gawing pustahan ng mga kaibigan mo kung malalate ka o hindi.

20. Kapag umalis ka ng bahay ng 30 minuto hanggang isang oras na mas maaga kesa nakagawian dahil nalate ka noong mga nakaraang araw ng kulang-kulang na 30 minuto, malalate ka pa rin ng 30 minuto. Isa itong patunay na may Diyos at hindi Siya galit sa iyo. May nagawa ka lang sigurong isang bagay na hindi kanais-nais noong pagkagising mo.




 



The Crawling Gugol Bot

Go back to TOP or HOME

The Sisters of Christian Charity

The Sisters of Christian Charity are a community of women, dedicated to the care and education of the needy, especially the blind. Following the example of Blessed Pauline von Mallinckrodt, the Sisters want to be truly women of Christ-like Love. Empowered by their Eucharistic life-style, which impels them to be Christ’s light in the "Church of the Poor", they want to uplift and guide the blind and all who need them in our wounded world. Excerpt from http://www.sccphil.com/aboutus.htm
Gugol supports SCC Philippines and hopes to provide assistance to this fine charity institution someday. Meanwhile, I encourage you to visit their website and lend them a helping hand.