Eto ang laman ng plurk ko kanina...
Pagkatapos mo ba mangulangot, nag-aayos ka ba ng buhok at bumubunot sa garapon ng peanut brittle na alam mong may iba pang kakain????
Utol ko kasi ganun e... Hindi ko alam kung siya yung abnormal o ako...
At akin yung peanut brittle na yun...
Tae...
Gusto kong bigyan ng aperkat...
Pero wag na lang... baka mabahiran ako ng kulangot...
Grrrr..... potah talaga... grrr....
Tapos ang selan selan niya sa gamit niya??? Mahawakan ko nga lang kama niyan, pinapapalitan na ang bed sheet...
Tangina, ano ako? Ketongin?
Teka... Iblog ko na nga lang to...
At ayan... Niblog ko na. Tarantado utol ko. Kahit na gaano ka kaguwapo, kung baboy ka, baboy ka pa rin. At wala nang mas sasahol pa sa isang tamad at makasariling baboy.
Dati-rati, tatay ko minumura ko sa blog ko. Pero ngayon, utol ko na.
Peace na kami ng tatay ko. Kasi, wala lang, graduate na ako e...
Utol ko? Kupal. Bihira ko nga kausapin e. Tulad ngayon, hinahayaan ko na lang magpitik-pitik ng kulangot niya sa buong mansyon namin. Wawalisin ko na lang mamaya. Yun ang trip niya e.
Kawawa naman magiging asawa nito.
Yan ang parehong utol na pinagbigyan ko ng Astone UMPC ko.
Either mabait ako, or talagang tanga lang.
Kaya kung makita niyo siya sa personal, may babala na kayo. Bago pa man kayo magka-kras sa kanya, turnoff na agad. Bwahahahaha!
Photo
5 hours ago