Thursday, November 20, 2008

My Life: 48 Hours a Day

Eto ang mahirap kapag maraming pinagkakaabalahan e. Kulang ang 24 oras sa isang araw. Halos hindi ko nga mabigyan ng oras ang pagbablog. Ang daming pumasok sa isipan kong hindi ko naibahagi sa inyo. Laking pasalamat niyo siguro at may ilang araw ko rin kayong hindi nagago.

Kelangan na talagang maimbento ang pampabagal ng oras. Ganun ba epekto ng shabu? Kaya lang mahal yun.

Anyways, nakakatuwa ang bagong baby sa buhay ko. Si Kutcher... Astone Kutcher.

Hayop, kahit nasa banyo ako at hindi magkamayaw sa pag-ire, nakakapagresearch ako sa Google.

Pwede pa manood ng porno kahit saang sulok ng bahay namin dahil sa Wifi. Hindi na ako constrained sa harapan ng desktop ko. Pwede na magpakalibog kahit kuwarto ng mga magulang ko! This is freedom at its pure essence!

At dahil touchscreen, kapag hinawakan mo si Maria Ozawa, ramdam mo ang kinis ng balat niya. Kumpleto ang viewing experience mo.

Mabagal nga lang siya magboot. Pero mainly dahil ang dami ko agad ininstall tulad ng Photoshop CS3, MS Office 2007, etc. Pero pag tapos na magboot, ok na bilis niya.

Kaya kung ako sa inyo, bili na kayo. Php 9995 na lang sa PC Corner sa Gilmore. Dating Php 20,000++ yan. Sulit di'ba?

Isipin mo na lang, kapag lahat ng Pinoy may Astone UMPC... Kapag naglalakad ka sa may Recto para pumunta ng Divisoria at bigla kang nangati sa DotA, buksan mo lang yang UMPC mo tapos Warcraft. Siguradong may makakalaban ka na. Hindi na boring ang strolling under the summer heat.

Baka makalaro mo pa si Rodrigo... bago ka nya holdapin at kunin ang UMPC mo. (E sira ka pala. Bakit mo naman ilalabas sa Recto ang UMPC mo?)



Talaga bang naghihirap ang Pinoy? Minsan talaga nakakapagtataka na e. Kanina lang pauwi ako mula UP, langya, lahat ng kasabay ko lasing. Okay lang kung magkakakilala sila e. Pero hindi. Iba't ibang lugar ang pinanggalingan.

Oktoberfest ba sa kahabaan ng Aurora Blvd.?

Hindi ba parang tanga? Wala daw pera si Pedro pero may pambili siya ng beer? Mas gusto pa niyang tumaya sa lotto kesa mag-ipon ng pantaya sa Stock Market? Nakantutsa.



Parang may unwritten rule ata mga jeepney driver at traffic enforcer. Napansin niyo rin kaya?

Kasi, parang may malaking plaka sa noo ng traffic enforcer na nagsasabing "DITO SA PAGLAGPAS SA AKIN (EXACTLY ONE METER AWAY HA KUNDI HUHULIHIN KITA) ANG TAMANG BABAAN."

Kahit na bawal talagang magbaba ng pasahero sa lugar, basta may MMDA o pulis, nagniningning ang mga mata ng mga drayber at yun na nga, nagbababa sa paglagpas kay TongMan. Almost always one meter away mula sa traffic enforcer.

Kasama ba sa training ng mga pulis at MMDA yan? Human Loading/Unloading Station 101 - "What Happens Behind You, Stays Behind You" and the Zen of Causing Traffic Effortlessly.


Naku, I have to come up with a computer program in two weeks' time pa. Wala akong kaalam-alam sa programming language na tinuturo ng prof ko. At masyado akong matalino para maintindihan ang pamamaraan ng pagtuturo niya. Hayop.

Kapag ako naasar, isasama ko sirkito niya sa ibabrownout ng buong linggo next week e. Di bale nang mawalan ng trabaho. Haha...


Salamat nga pala sa mga taong bumibisita sa BulagSpot. Kung hindi ako makadalaw sa mga blog niyo, pasensya na. Ginagahol na talaga ako sa oras. Babawi na lang ako kung may pagkakataon.

Samantala, sige lang. Hayaan niyong gawin ko kayong tanga sa mga pinagsusulat ko.

Biyernes na naman bukas! Sa bahay na naman ako magmumukmok!


Sarap magblog habang nakahiga sa kama.

Oo, iniinggit kita. Walang sinabi IPod mo.

The Crawling Gugol Bot

Go back to TOP or HOME

The Sisters of Christian Charity

The Sisters of Christian Charity are a community of women, dedicated to the care and education of the needy, especially the blind. Following the example of Blessed Pauline von Mallinckrodt, the Sisters want to be truly women of Christ-like Love. Empowered by their Eucharistic life-style, which impels them to be Christ’s light in the "Church of the Poor", they want to uplift and guide the blind and all who need them in our wounded world. Excerpt from http://www.sccphil.com/aboutus.htm
Gugol supports SCC Philippines and hopes to provide assistance to this fine charity institution someday. Meanwhile, I encourage you to visit their website and lend them a helping hand.