Sunday, November 2, 2008

Hello Blogger World! Again!

Glad to be back!

Ang tagal ko nang gustong bumalik kay Blogger. Namiss ko kasi yung full control na makukuha mo sa mga template.

Umalis ako sa Blogger dati para masubukan ang mga opensource na blog software. Medyo matagal-tagal din kaming nagkawalay ni Blogger.

Nung maubusan ako ng pera para pantustos sa sarili kong website, tumigil muna ako sa blogging.

Tapos nang gusto ko na uli magblog, nag-iba na si Blogger. Hindi ko na maintindihan kung paano i-edit ang mga template. Kaya ayun, nagMultiply na lang muna ko.

Pero wala talaga, iba ang pag-aalagang maibibigay sa iyo ni Blogger. Dinahan-dahan ko ang pagbalik ko sa piling niya.

Nung una, mirror blogging lang. Magsusulat ako sa Multiply tapos cross-post sa Blogger.

Talagang nangati ako. Gusto ko ulit malaman kung paano romansahin si Blogger. Gusto kong mapasakanya ng buong-buo.

Tapos ayun, natuklasan ko ang Drupal. Dahil matagal ko nang gustong matuto ng PHP at MySQL, inaaral ko ang Drupal. Pati na rin ang AJAX (hindi yung sabon) na kaakibat nito sa pamamagitan ng jQuery at JSON.

Naisip ko bigla, hindi ba parang mas maganda kung mapag-isa ang Drupal at mga Google Application. Yung tipong pag naglog-in ka sa Drupal, pra ka na ring nakalog-in sa Google? May GData naman.

Nagpasiya akong pag-aralan ang lahat ng ito. At malamang wala akong patutunguhan. Dami kong gustong mapag-aralan e. PHP, MySQL, JavaScript, AJAX, jQuery, JSON, GData, Drupal, Photoshop tapos magmamasteral pa ako sa UP ng electrical engineering habang nagtatrabaho sa Meralco. Sige nga, subukan mong gawin ang ginagawa ko. Tingnan ko kung matulog ka pa.

Bakit ko nga pala inaaral ang mga ito? Hindi naman ako computer science major. E sa wala akong girlfriend e. *LOSER*

Kesa naman, makisabay akong manood ng Betty La Fea. Hindi ako nanonood nun ah. Baka ikaw...

Tapos ayun, sinabi ko sa sarili ko, "Pare, magandang pagkakataon ito para mapag-aralan uli ang Blogger dahil isa ito sa mga Google Applications?"

Sagot ko naman, "Tama ka, dyan!"

Sabay Tapik Sa Balikat™ at sinabihan ang sariling, "Good job!™"

(Good job!™ and Tapik Sa Balikat™ are registered trademarks of Alex Gervacio.)

Kaya ayun, magdamag kong inaral kung paano gayahin ang layout ng website ng Blogger.com. Pinirata ko nga pati yung background image saka yung image na ginamit para sa bullets sa sidebar ko. Hindi naman siya pirata per se. Kasi sa server rin naman ng Blogger ko inembed yung mga image e. So, hindi ako nagnanakaw ng bandwidth. Tapos inacknowledge ko rin naman sila.

Ito ang kinalabasan. Hindi ko naman masyadong ginaya. Para naman kahit papaano personalized ang dating diba? (Ang daming "naman" ng last two paragraphs ko a. Iba talaga pag nagpapaliwanag/nagpapalusot ka. Kailangan talagang gumamit ng maraming "naman" para kapani-paniwala.)

At nakita niyo na ba iyong logo ko? Astig di'ba, nakashades?

BulagSpot. Malamang nung mabasa mo iyon, either natawa o napa-"gagong 'to a" ka.

Naghahanap kasi ako ng isang domain name na madaling tandaan at may dating. Yung may kaunting kontrebersiyang kaakibat. Sinubukan kong magwordplay.

Dami kong naisip.

Gugol, guligol, bulagspot...

Dumugo utak ko sa kakaisip.

Pinili ko yung huli kasi natawa ako. Hindi dahil pinagtatawanan ko ang mga bulag. (Anong kala niyo sa akin? Kaya bitawan niyo na ang mga hawak niyo at baka makasakit pa iyang mga iyan.)

Pero dahil sakto. Parang semi-tinagalog ang blind spot na synonymous sa kamangmangan. Tapos katunog pa ng blogspot. At hindi pa nabibili ang domain.

Nangyari lahat iyan sa bisperas ng undas. Inorder ko yung domain ng November 1, araw ng mga patay. Ang galing, ang galing!

Pagkabili ko ng domain, sinimulan ko na ang paggaya sa layout ng Blogger.com homepage. November 2 ako natapos.

At bakit Gugol? Ah basta, katamad na mag-explain. Basahin mo na lang ang Etymology.

At parang awa niyo na, itapon niyo na ang Internet Explorer niyo. MagFirefox na kayong lahat. Mas maganda kalalabasan ng mga website na katulad nito kapag sa Firefox mo binuksan (oo, mas maganda rin kaysa Opera). Mas ligtas pa sa virus.

Hmm... Ano pa ba?

Ay oo nga pala. Malaki ang takot kong mabulag. Kaya napagtanto ko na tutulong ako sa mga kapuspalad na bulag. Sisimulan ko sa pamamagitan ng pag-endorse sa The Sisters of Christian Charity. Kung may kakayanan kayo para makatulong sa kanila, huwag po kayong mag-atubili.

Hay, buntis nga kaya si Marcella? Nampucha, nababawasan ang oras ko sa panonood ng video tutorials dahil sa kakaisip e.

Malamang nito, wala naman akong matatapos sa mga binabalak ko. Mabuti na lang itong BulagSpot natapos ko.

Good Job!™

The Crawling Gugol Bot

Go back to TOP or HOME

The Sisters of Christian Charity

The Sisters of Christian Charity are a community of women, dedicated to the care and education of the needy, especially the blind. Following the example of Blessed Pauline von Mallinckrodt, the Sisters want to be truly women of Christ-like Love. Empowered by their Eucharistic life-style, which impels them to be Christ’s light in the "Church of the Poor", they want to uplift and guide the blind and all who need them in our wounded world. Excerpt from http://www.sccphil.com/aboutus.htm
Gugol supports SCC Philippines and hopes to provide assistance to this fine charity institution someday. Meanwhile, I encourage you to visit their website and lend them a helping hand.