"Pasensya na kung ako ay di nagsasalita..." - Eraserheads
Kamusta?
Ang aking buong akala'y nalimutan ko na ang hubog ng iyong mukha.
Mula sa mga mata mong libog na libog sa luha... Labing naglalangib sa tagal ng pagkapinid... Kutis na lugmok sa paghila ng lupa...
Oo, ikaw, kaibigan.
Tara, suntukan?
Tama, siya nga.
Nagkita na kayo, siyang umiiyak na nagsumamo sakin -- na sa gitna ng bawat dabog niya sa dibdib ko noo'y dali-dali ring nadurog ang pundasyon ng aking panaginip hanggang sa ako na nga'y nagmistulang mapanuksong Satanas sa kaniyang banal na disyerto.
O 'diba? Ako na naman.
Sa pagnanais na mabago ang buo kong pagkatao, bumalik din ako sa dati kong kaanyuan: Maamo. Malumanay. Binabalot ng kunsensya.
Pamamaalam.
Kaya siguro ipinatawag kang muli.
Ipamukha mo sa akin, sige. Buong pagmamalaki mong itaas ang kamao mo ngayon sa pagpupunyagi. Tao pa rin ako.
Tagay mo.
Wednesday, February 15, 2012
Saturday, October 22, 2011
Barker
Isang henyong tunay ang kauna-unahang taong nakaisip na pwedeng pagkakitaan ang pagsigaw-sigaw sa isang kantong madalas pagtambayan ng mga pasahero ng jeep.
O, Cubao, Cubao! Isa na lang, lalarga na!
Maluwag pa yan! Araw-araw ginagamit yan.
Walang start-up cost. Tax-free. Boses lang ang puhunan.
Galaw-galaw naman diyan baka ma-stroke.
Wag niyong salubungin ang bababa, di niyo kamag-anak iyan!
Ni hindi mo nga kailangan ng mala-Martin Nieverang huni.
Sige, Ate, tuloy ka lang. Diretso sa kusina...
Onting ayos lang po ng upo. Yung parang natatae lang.
Nagbibigay serbisyo sa mga tsuper at pasahero na di naman talaga nila kailangan.
Nasusukat ang galing sa bilis makapuno ng jeep.
Magpapasakay kahit hindi dun patungo.

Thursday, October 20, 2011
Lavender
Jejel: Ay pucha, nalimutan kong kunin yung pera dun sa pantalon ko sa labahan.
Gugol: Tarantado pa naman ang labandera natin. Di nagsasauli ng pera. Ang lalaki pa man din minsan ng halagang naiiwan ko sa mga bulsa ko.
J: Oo nga e.
G: Ilang beses na ngang umakyat yan sa mga kwarto natin tapos nagulat na di pala ako pumasok.
J: Gago, di nga? Pumapasok sa mga kwarto natin yan?
G: Oo. Garapal din e. Nawawala nga yung isang tumpok ko ng mga bagong issue ng tig-bebeinte. Tangina, kinolekta ko pa man din yun.
J: Ay, puta... Kaya pala... Kaya pala nawawala yung mga ginamit kong condom.
G: Puta, ano yun? Ipapagamit niya ulit sa asawa niya?
J: Tanginaaaaaaah! You didn't have to go that far!

Friday, September 23, 2011
Kahon ni Pandora
Namamaluktot ang mahigit sa anim na talampakang katawan, di ako magkasya sa kabaong na binili ko para sa sarili. Kay tagal kong nag-ikut-ikot sa mga punerarya ngunit ang kahon lamang bang ito ang nabili ko? Kahabag-habag na kalagayan.
Ganyan ako sa isang nakaraang panaginip ng nanay ko. Naghuhukay na nga ng sariling libingan, kulang pa sa sukat ang nabiling kabaong.
Pati ba naman ang paggawa ng mali ay hindi ko pa rin magawa nang tama?
Ano man ang kahulugan ng panaginip na iyan, mamadiliin ko na lang ang aking pag-intindi: Kung may mga bagay kayong nais o dapat sabihin sakin ay iparating niyo na sakin agad ngayon at baka di na magtatagal pa ang pananalagi ko sa mundong ating ginagalawan.
Mumultuhin ko nga rin pala kayo. Kaya paligiran niyo ang inyong mga sarili ng mga binasbasang idolo, bibliya at rosaryo sa tuwing kayo'y nagpaparaos ng libog.

Friday, September 9, 2011
Buksan
Dumating na ang alon ng totoong buhay. Inaanod ako, tinatangay pabalik tungo sa dakong di mawari.
Kelan ba nagsimulang pangibabawan ng mga pananagutan ang mundong aking ginagalawan? Sa puso't isipan ko'y batang paslit, sa panlabas na kaanyua'y taong dapat nagsisimula na ng sariling pamilya.
Ayokong kumawala sa kaligayahan at kalayaan na kaakibat ng pagiging kabilang sa kabataan. Pilit kong nilalabanan ang hindi maiiwasan. Nagpapanggap akong walang pagbabagong nagaganap.
Isang gabi'y naligo ako sa luha (kung sabagay, parati naman itong nangyayari, iba-iba nga lang ang dahilan). Kinulob ako ng isang hinaharap na walang liwanag. Emotional claustrophobia -- sana may ganitong termenolohiya. Kung wala, wag sanang kalilimutang ilagay ang pangalan ko sa bibliograpiya ng alinmang kaugnay na pananaliksik bilang unang taong nakadiskubre nito.
Nagugulumihanan akong gumising kinabukasan. Ano nga ba ako? Gusto ko ba ang kasalukuyang estado ng buhay ko? Ano nga ba kasi ang gusto ko? Papaano kung maiwan na akong mag-isa? Isinuko ko na ba ang mga pangarap ko? Kuntento na ba ako sa kung ano o wala ako ngayon? Nasaan na ang tiwala ko sa sarili?
Kaya ko bang mabuhay?
Noong nasa kolehiyo pa ako, akala ko may plano ako.
"Gagawin ko ito."
"Tutuparin ko ito."
"Kakamtan ko iyan."
Nagparang balewala na ang lahat ng iyon ngayon.
Hindi nakatulong ang pagsagot ko ng mga online questionnaire. Lalo lamang pinag-igting ng mga ito na may pinagdaraanan nga akong problema: ang mistulang paghinto ko sa isang kanto ng libo-libong kalsada. Tapos walang traffic light.
Di mo gets.
Quarterlife crisis.
Noong isa pang gabi, may nasagasaang babae sa harap ng gusali namin. Dead on the spot. Humarurot ang nakasagasa, marahil dahil sa sobrang taranta.
Kung kukunin ako ng Poong Maykapal, ngayon na ang pinakamagandang pagkakataon, kung kelan wala pang umaasa sakin. Di hamak na manghihinayang ang tatay ko sa mga ginasta niya sa pagpapalaki sakin. Mahigit kumulang mga tatlong milyong piso rin siguro kung susumahin. Hihingan ko na lang na bigyan siya ng isang matinding refund ng Poong Maykapal. Sports car. Yung red.
Ngunit malamang sa hindi'y magpapatuloy ako sa buhay. Susuungin ko ang landas na bubuo sakin. Malalagpasan ko ang kalagayan ko ngayon. Tutulak ako tungo sa katiwasayan.
Di ko man alam kung papaano ang kahihinatnan ng mga magiging desisyon ko sa buhay pero ano ba naman ang pinakamalalang mangyari sakin sa mga pagkakataong matanga ako? Mamatay lang naman diba?
At habang di pa sumasapit ang bukas, hayaan mo muna akong madismaya sa kasalukuyan.

Powered by
Gugol
at
8:26 PM
Buksan
2011-09-09T20:26:00+08:00
Gugol
duramarama|katotohanan ng buhay|
Comments
Labels:
duramarama,
katotohanan ng buhay
Subscribe to:
Posts (Atom)
The Crawling Gugol Bot
-
-
-
Kakesohan sa umaga. Ge bye.20 hours ago
-
-
If you are sick and tired of p…2 days ago
-
Episode 4. Lazy Boy5 days ago
-
-
Circa 20042 weeks ago
-
-
-
Bente4 weeks ago
-
Horrible Boss4 weeks ago
-
kung interesado lang naman kayong malaman1 month ago
-
Slimming Earrings? WTF!2 months ago
-
-
-
-
august’s gibbous8 months ago
-
-
Winter Teh? LOLz!!!1 year ago
-
maskara1 year ago
-
-
012 years ago
-
Hello World2 years ago
-
Season's Greetings!2 years ago
-
-
Unsure3 years ago
-
Nike Windrunner3 years ago
The Sisters of Christian Charity
The Sisters of Christian Charity are a community of women, dedicated to the care and education of the needy, especially the blind. Following the example of Blessed Pauline von Mallinckrodt, the Sisters want to be truly women of Christ-like Love. Empowered by their Eucharistic life-style, which impels them to be Christ’s light in the "Church of the Poor", they want to uplift and guide the blind and all who need them in our wounded world. Excerpt from http://www.sccphil.com/aboutus.htmGugol supports SCC Philippines and hopes to provide assistance to this fine charity institution someday. Meanwhile, I encourage you to visit their website and lend them a helping hand.